MANILA, Philippines – Itinago ng Bureau of Immigration (BI) kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang pagtakas ni Alice Guo patungong Malaysia kaya nakapuslit ang puganteng suspended mayor ng Bamban, Tarlac, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.
Sa panayam, sinabi ni GAtchalin na alam ng BI ang pagtakas ni Alice Guo, at inilihim ang kinaroroonan nito kaya nadakip ang dalawang kapatid at kasabwat nito sa Indonesia.
Nitong Biyernes, inihayag ng BI Na humahawak ng Chinesse passport ang kapatid ni Guyo, si Shiela sa pangalang Zhang Mier. Inaresto siya nitong Huwebes ng awtoridad ng Indonesia saka ibinalik kaagad sa Pilipinas sa araw na iyon mula sa Batam, Indonesia na dinalaw ng suspendidong alkalde at kapatid nito.
Ayon kay Gatchalian, sinabihan siya ng kanyang BI source na alam ng immigration authorities ang pagtakas ng dating alkalde at tatlong kapatid nito bago isiwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang pagpuslit sa kanyang speech sa Senado noong Agosto 19.
“Even the President was kept in the dark with that information. From what I have been told, they knew about this two weeks ago,” ayon kay Gatchalian sa isang media briefing sa Zoom.
Naunang inihayag ni Hontiveros na tumakas si Guo patungong Kuala Lumpur nitong Hulyo 18 sa gitna ng arrest order na inilabas sa kanya ng Senado sa patuloy na pagtangging dumalo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa illegal na aktibidad ng Philippine offshore gaming operator (Pogo) sa Bamban.
Ayon kay Hontiveros, National Bureau of Investigation ang nagbigay sa kanya ng impormasyon, at hindi ang immigration bureau.
Pinangunahan ni Hontiveros kasama si Gatchalian ang imbestigasyon sa POGO kabilang ang krimen na iniuugnay sa grupo kabilang ang human trafficking, torture at murder.
Nanguna din ang dalawa sa paglalantad ng ebidensiya na nakalap laban kay Guo na pawang Chinese national na pumasok sa bansa bilang batang babae bilang Guo Hua Ping.
“I have become suspicious now because why do they have to keep this secret from us and the public?” ayon kay Gatchalian.
“They probably want to cover up the fact that Guo Hua Ping was able to escape all our law enforcement agencies. It’s not good that they hid this information almost a month (after Guo left),” giit pa ng senador. Ernie Reyes