MANILA, Philippines – May alok na nasa 3,000 job vacancies ang Taiwan para sa mga Filipino, lalo na sa factory work sa semiconductor at artificial intelligence (AI) industry.
Sa news forum nitong Sabado, Enero 11, sinabi ni Labor Attaché and Migrant Workers Office – Taipei Director Cesar Chavez Jr. na ang Pilipinas ay mayroong 15,000 job orders sa Taiwan noong 2024.
Para mapunan ito, ang pamahalaan ay nag-oorganisa ng mga job fair.
“As of now, we have pending 3,000 job orders to be filled up. Kaya kung meron pa tayong mga kababayan na gustong magtrabaho sa Taiwan, tingnan lang nila sa DMW (Department of Migrant Workers) website (For those who want to work in Taiwan, they just have to check the DMW website),” ani Chavez.
“Marami rin ang made-deprive kung ititigil itong mga job fairs, local and overseas. Kung magkakaroon po (exemption), ay magkakaroon po tayo ng tuloy-tuloy na job fair para mahabol natin itong mga pending quota and job orders,” dagdag ni Chavez.
Mahigit 160,000 Filipino ang nagtatrabaho sa Taiwan. Karamihan sa mga ito ang nasa larangan ng AI at semiconductors. RNT/JGC