MANILA, Philippines – Nananatiling naka-deploy ang BRP Teresa Magbanua sa dalampasigan ng Zambales para bantayan ang illegal na presensya ng barko ng China Coast Guard (CCG).
Sa pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela nitong Sabado, Enero 11, ang CCG vessel na may bow number na “3304” ay illegal na naglalayag sa layong 60 hanggang 80 nautical miles sa baybayin ng probinsya.
Ani Tarriela, ang presensya ng BRP Teresa Magbanua ay ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kontrahin ang illegal na aksyon ng CCG.
“The continued vigilance of BRP Teresa Magbanua serves as a proactive measure to ensure that Filipino fishermen can carry out their activities without the threat of harassment or intimidation,” sinabi ni Marcos.
“The deployment of the PCG’s white ship underscores a commitment to monitoring and maintaining a visible presence to deter illegal activities by the Chinese Coast Guard while adhering to principles of restraint and non-provocation.”
Noong Miyerkules, iniulat ng PCG ang presensya ng CCG vessel “3103” na nasa Zambales para palitan ang monster ship ng China na nananatili rin sa lugar. RNT/JGC