MANILA, Philippines – Titiyakin ng Manila Police District (MPD) na magiging payapa ang isasagawang halalan sa darating na May 12 national at local elections sa Maynila.
Ito ang naging pahayag ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa ginanap na Meet The Press Weekly forum nitong Biyernes, Mayo 2.
Ayon kay MPD spokesperson at PIO Chief Major Philipp Ines, humigit-kumulang sa tatlong libo ang kanilang idedeploy na pulis sa buong Maynila para masiguro na maayos ay payapa ang magiging aktibidad halalan.
Pagtitiyak pa ni Major Ines, hindi lamang daw sa mga pagdarausan ng pagboto ang magiging Area of Concern ng MPD kundi sa iba pang lugar ng Maynila.
Patuloy din silang gumagawa ng ibat-ibang mga istratehiya para mabantayan ang ating mga kababayan sa lungsod ng Maynila.
Nagpaalala naman si MPD Office of the District Director Administrator PCOL Roderico Roy Jr. sa publiko na may hotline numbers anh MPD tulad sa FB page kung saan maaaring magsumbong sa mga ilegal na aktibidad sa halalan.
Dagdag pa, may nakalatag na ring security plan at nagsasagawa ng kumperensya ang MPD para sa assessment upang masiguro na payapa ang buong halalan.
Sinabi rin ni Major Ines na mayroon ding multi-agency coordinating center kung saan nakamonitor sa buong Maynila at kung saan papasok ang buong report kaugnay sa eleksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden