MANILA, Philippines – Umabot na sa 4,631 indibidwal, kabilang ang mga pasahero, truck driver, at cargo helper, ang na-stranded sa 55 pantalan sa buong bansa dahil sa Tropical Depression Wilma.
Sinabi ng PCG na namonitor nito ang 55 pantalan sa buong Southern Tagalog, Northeastern Mindanao, Southern Visayas, Bicol, Eastern Visayas, at Central Visayas.
Batay sa datos ng PCG, 1,484 vessels, 45 motorbanca, at 26 rolling cargoes ang stranded, habang 107 vessels at 53 motorbanca ang sumilong dahil kay Wilma.
Sa hiwalay na bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na maaaring mag-landfall si Wilma o dumaan malapit sa Eastern Visayas o Dinagat Islands sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
Ang tropical depression Wilma ay inaasahang lilipat sa kanluran-timog-kanluran hanggang Sabado bago magpatuloy sa pagtawid sa Visayas hanggang Disyembre 7.
Pagkatapos ay inaasahang lalabas ito sa ibabaw ng Sulu Sea at maaaring lampasan ang hilagang Palawan sa umaga ng Disyembre 8. Jocelyn Tabangcura-Domenden