Home NATIONWIDE Pondo ng PhilHealth na inilipat sa National Treasury, ipinababalik ng SC

Pondo ng PhilHealth na inilipat sa National Treasury, ipinababalik ng SC

278
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Korte Suprema sa gobyerno na ibalik ang P60 bilyong pondo ng PhilHealth na inilipat sa National Treasury matapos ideklarang ‘unconstitutional’ ang Special Provision 1(d) ng 2024 General Appropriations Act at Department of Finance Circular No. 003-2024.

Giit ng Korte, labag sa Universal Health Care Act at Sin Tax Laws ang paggamit ng PhilHealth reserve funds para sa mga unprogrammed appropriations.

Binigyang-diin din ng SC na hindi maaaring dagdagan ng Finance Secretary ang anumang item sa GAA, at nanatiling balido ang pagcertify ng Pangulo sa budget bill bilang urgent.

Sa boto na 15-0, ilang mahistrado naman ang naglabas ng kanya-kanyang opinyon sa PhilHealth funds ruling kugn saan ang ilang mahistrado ay umayon s apagdedeklarang unconstitutional ang paglilipat ng pondo.

Sinabi rin ng ilang mahistrado na maaring na-undermine ang pondo para sa UNiversal Health care dahil sa maling paglipat ng PhilHealth reserves.

Ayon kay Atty. Camille Mae Ting, ang PhilHealth ruling ay agarang maipapatupad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here