Home METRO 4-anyos damay sa nasawi sa Calamba shootout

4-anyos damay sa nasawi sa Calamba shootout

301
0

MANILA, Philippines – Lumabas sa ulat na kasama ang isang apat na taong gulang na bata sa tatlong nasawi sa isang engkwentro sa Barangay San Cristobal, Calamba City, Laguna noong Oktubre 15, ayon sa pulisya nitong Lunes.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dennis de Guzman, officer-in-charge ng Calamba Component City Police Station, tatlong armadong lalaki ang binaril ang apat na pulis habang isinasagawa ang warrant of arrest.

“During the service of the warrant of arrest, initially successful, nakuha po natin siya,” ani De Guzman.

Inambush umano ang mga operatiba habang binabasa ang Miranda Rights ng suspek.

“One of which is a magazine-fed shotgun, a .38 caliber and a .45 caliber,” dagdag niya.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang bystander na may edad na apat at 57, pati ang isa sa mga suspek.

Dalawang pulis din ang nasugatan. Naaresto ang pangunahing suspek at isa pang kasabwat, habang may isang suspek pang hinahanap.

Noong Oktubre 17, nagsampa ng kaso laban sa tatlong suspek para sa resisting arrest, disobedience to a lawful order, dalawang kaso ng murder, dalawang kaso ng frustrated murder, at paglabag sa batas sa ilegal na armas. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here