MANILA, Philippines – Nanatiling hindi madaanan ang ilang pangunahing kalsada sa Aurora nitong Lunes dahil sa pagbaha at landslide dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Dianed sa Dipaculao, Baler-Casiguran Road sa Barangay Ditawini, Dinalungan, at Maddela-Dinadiawan Road sa Barangay Calaocan, Dipaculao.
Ayon kay engineer Fredelito Mingua ng DPWH-Aurora District Engineering Office, patuloy ang clearing operations. Tiniyak ng ahensya na handa ang kanilang personnel at mga heavy equipment tulad ng backhoes, payloaders, at dump trucks.
Ang iba pang pambansang kalsada at tulay sa Aurora ay madaanan naman ng lahat ng uri ng sasakyan. RNT