Home METRO 4-anyos na pamangkin ng binaril na Remate photog, pumanaw na

4-anyos na pamangkin ng binaril na Remate photog, pumanaw na

MANILA, Philippines- Pumanaw na nitong Sabado ang 4-anyos na pamangkin ng photojournalist na nadamay sa pamamaril nitong June 28, araw ng Huwebes, sa lungsod Quezon.

Napag-alaman na tuluyan nang binawian ng buhay si Reesee Abiad na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Matatandaan na sa nasabing petsa dakong alas-3:50 ng hapon nang pagbabarilin ng dalawang gunman ang sasakyan ng pamilya Abiad sa Corumi St. corner Gazan St. Barangay Masambong Q.C

Sa naturang pananambang nagtamo ng tama ng bala sa braso si Rene Joshua Abiad, 37, phot journalist ng Remate online, kapatid nito na si Renato Abiad, 41, gayundin si Caiden Abiad, 8.

Sa kautusan na rin ni Philippine National Police (PNP) chief General Benjamin Acorda Jr., agad na binuo ng Quezon City Police District (QCPD) ang Special Investigation Task Group SITG-ABIAD.

Ayon kay QCPD Director Nicolas Torre III, ang SITG-ABIAD ay pamumunuan ni Deputy District for Operation PCOL Melencio Busing.

Patuloy naman ang isinasagawang back tracking ng QCPD sa mga CCTV upang makilala ang mga salarin. Jan Sinocruz