MANILA, Philippines- Nakapagtala Department of Health ng 423 bagong COVID-19 cases nitong Linggo, sa pinakamatas na arawang bilang sa loob ng tatlong araw, na nagdala sa kabuuang coronavirus cases ng bansa sa 4,165,499.
Batay sa DOHs COVID-19 data tracker ng DOH, bumaba ang aktibong kaso sa 6,925 mula sa 6,945 noong Sabado. Ito ang pinakamababang total active infections sa loob ng 62 reporting days at ikatlong sunod na araw ng pagbaba ng active cases, ayon sa ulat.
Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling ng 443 kaso sa 4,092,090, habang nananatili ang death toll sa 66,484 para sa ika-apat na sunod na araw.
Naiulat sa National Capital Region ang pinakamaraming bagong COVID-19 cases sa nakalipas na 14 araw sa 1,408 kaso, sinundan ng Central Luzon sa 952; Calabarzon sa 818; Western Visayas sa 491; at th Ilocos Region sa 451.
Gayundin, ang COVID-19 bed occupancy ay 16.4%, kung saan 4,053 ang okupado habang 20,659 ang bakante. RNT/SA