Home NATIONWIDE 14 patay sa landslide, pagbaha sa Sulawesi, Indonesia

14 patay sa landslide, pagbaha sa Sulawesi, Indonesia

INDONESIA – Patay ang 14 katao dahil sa matinding pagbaha at landslide sa Sulawesi, Indonesia.

Ayon sa ulat, bumuhos ang tuloy-tuloy at malakas na ulan mula pa noong Huwebes na nagdulot ng matinding landslide sa Luwu district, South Sulawesi province.

Naapektuhan ng hanggang tatlong metrong taas ng baha ang 13 sub-districts, habang nalubog sa tubig at putik ang naturang mga lugar.

Mahigit 1,000 tirahan ang apektado rito.

Isinagawa ang search and rescue operation para ilikas ang mga residente gamit ang rubber boats at iba pang sasakyan.

Mahigit 100 residente rin ang tumutuloy sa mga mosque at tirahan ng kanilang mga kaanak sa labas ng apektadong lugar.

Noong Abril, 20 katao naman ang nasawi dahil sa malalakas na pag-ulan na nagdulot ng landslide sa Tana Toraja district, South Sulawesi province. RNT/JGC