Home METRO 4 arestado sa P69.35M party drugs na itinago bilang pet food

4 arestado sa P69.35M party drugs na itinago bilang pet food

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang apat na indibidwal matapos tangkang ipuslit ang multi-milyong halaga ng ecstacy na inilagay sa kargamento ng pet food.

Ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency, ang operasyon ay nangyari sa Mail Exchange Center sa Domestic Road, Pasay City.

Nasamsam ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group nitong hapon ng Lunes, Mayo 6, ang nasa 40,200 Ecstacy pills na nakalagay sa mga plastic bag at idineklara bilang “Dog food” at “Kitten food.”

May street value ito na P69.35 milyon, kasabay ng pagkakakumpiska rin sa mga cellphone at identification cards mula sa mga suspek na nagtangkang magpick-up ng kargamento.

Nahaharap ang apat na suspek sa paglabag sa Article II ng RA 9165. RNT/JGC