Home HOME BANNER STORY Maricel Soriano dumalo sa pagdinig ng Senado sa ‘PDEA leaks’

Maricel Soriano dumalo sa pagdinig ng Senado sa ‘PDEA leaks’

MANILA, Philippines – Dumalo ang aktres na si Maricel Soriano sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs nitong Martes, Mayo 7, kaugnay sa umano’y “PDEA leaks.”

Ang aktres ay kabilang sa dokumento ng mga umano’y drug users sa bansa. Kabilang din sa naturang PDEA file si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinilala naman ni Sen. Ronald dela Rosa, committee chair, ang pagdalo ni Soriano at sinabihan itong mag-relax lamang at uminom ng tubig matapos na makitang tensyonado ito.

Absent naman sa pagdinig si dating Executive Secretary Paquito Ochoa na inimbitahan din, dahil sa schedule conflicts.

“By the time I had read the letter, I had already committed to several meetings set for tomorrow (Tuesday) which I am unable to schedule or beg off from at this juncture,” sinabi ni Ochoa sa liham niya sa komite.

Ani Dela Rosa, kung magkaroon ng susunod na pagdinig ay iisyuhan si Ochoa ng subpoena para sa kanyang pagdalo.

Binanggit si Ochoa sa nagdaang hearing ng “obstruction” sa anti-illegal drugs operation. RNT/JGC