MANILA, Philippines- Pinarangalan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang apat na
jail officer dahil sa ipinakitang katapangan matapos silang ma-ambush habang ibinibiyahe ang isang Chinese person deprived of liberty (PDL) patungo ng Parañaque City nitong April 7.
Mismong si BJMP chief Ruel Rivera ang naggawad ng Medalya ng Sugatang Magiting at Medalya ng Kagalingan sa apat na tauhan.
“Ang kanilang mabilis at mahusay na tugon ay sumasalamin ng kanilang katapangan, propesyonalismo, at tunay na serbisyo-publiko,” ani Rivera sa isang kalatas.
Ang apat na jail officer ang escort sa pagbiyahe sa PDL na si Hu Yang sa pasilidad nito sa Barangay La Huerta sa Parañaque matapos dumalo sa hearing nito sa Makati City nang harangin sila ng dalawang sasakyan at nagpaputok.
Lumaban ang jail officers katuwang ang Parañaque police kaya naaresto ang anim na suspek. Teresa Tavares