Home NATIONWIDE Pagkansela ng Comelec sa kandidatura ng kandidato sa San Juan binaligtad ng...

Pagkansela ng Comelec sa kandidatura ng kandidato sa San Juan binaligtad ng SC

MANILA, Philippines- Binaligtad ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Commission on Elections na ideklarang disqualified ang kandidato sa pagka-konsehal sa first district ng San Juan City.

Kinumpirma ng Office of the SC Spokesperson na pinawalang-saysay ng SC en banc ang February 25 resolution ng Comelec na nagkakansela sa certificate of candidacy (COC) ni Florendo De Ramos Ritualo Jr.

Nag-ugat ang kaso sa isinampang petisyon ni Annaliza Telada sa Comelec kung saan inakusahan si Ritualo na hindi naman residente ng San Juan.

December 2024, kinatigan ng Comelec Second Division ang petisyon at kinansela ang COC ni Ritualo.

Sa desisyon ng SC, walang ebidensya na magpapatunay na sinadya ni Ritualo na manloko kaugnay sa kanyang residence qualifications sa COC.

Kumbinsido ang SC na malawak ang mga ebidensya na iprinisinta ni Ritualo na residente siya ng San Juan.

Sinabi ng SC na nagkamali ang Comelec Second Division nang ikansela ang COC ni Ritualo. Teresa Tavares