Home NATIONWIDE 4-car trains gagamitin ng MRT-3 sa pagpapaikli ng pila tuwing rush hour

4-car trains gagamitin ng MRT-3 sa pagpapaikli ng pila tuwing rush hour

302
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng pilot-testing ang MRT-3 sa deployment ng 4-car trains upang mapaikli ang pila ng mga pasahero tuwing rush hour.

Sa pahayag, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang pilot-testing ay nagsimula nitong Biyernes, Oktubre 17.

Umaasa ang DOTR na mapapaikli na ang waiting time sa mga istasyon at mabawasan din ang pagkaipon ng mga pasahero mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga.

Magdadala ang 4-car train sets ng 1,576 pasahero kada biyahe, na 394 pasahero mas mataas sa kaya ng 3-car train.

Imomonitor din ng ahensya ang performance ng 4-car trains at aalamin kung maaari na itong regular na maipabyahe.

Matatandaan na pinagana ng MRT-3 ang unang 4-car Dalian train set noong Agosto.

Ang Dalian trains ay magpapataas sa train set capacity na 500 tuwing alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga, at alas-7 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here