Home HOME BANNER STORY 4 Chinese sa Pampanga arestado sa kidnap-for-ransom

4 Chinese sa Pampanga arestado sa kidnap-for-ransom

139
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang apat na Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano’y kaugnayan sa kidnap-for-ransom syndicate.

Sa ulat, isang dayuhan ang nasaktan matapos na subukan niyang makatakas mula sa mga awtoridad sa loob ng isang exclusive subdivision.

“Nung approaching kami sa area, ay namataan kami nung isa sa mga sa subjects, kaya agad na siyang nagtago. Napagalaman namin na tumalon sa likod ng bahay. Doon na nangkaroon habulan,” sinabi ni Bureau of Immigration Fugitive Search Unit chief Rendel Sy sa panayam ng GMA News.

“So after ilang blocks ng habulan, na-corner sa isang kanto nitong subdivision na ito, at bago pa kami dumating doon upang siya ay hulihin, nagbaril siya sa kaniyang sarili.”

Hinalughog ng mga awtoridad ang tirahan ng mga suspek.

Sa loob ng isa sa mga silid ay nadiskubre ng BI-FSU at Angeles City Police ang pares ng mga posas, mga baril, tie wraps, baseball bat, kutsilyo at mga illegal na droga na pinaniniwalaang ginagamit sa pagtotorture.

Samantala, naaresto ang tatlo iba pang suspek sa follow-up operation kasunod ng pagkakaaresto sa babaeng lider.

“Very alarming itong grupo na ito kasi involved sila doon sa mga recent na kidnappings at pagpatay dahil sinasabi nga na kahit nagbayad na ng ransom ay pinapatay pa rin nila yung kanilang mga victims,” ani Sy.

Iniimbestigahan na ng BI ang iba pang mga posibleng kasabwat ng mga suspek at kanilang mga biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here