Home NATIONWIDE Wanted posters, pabuya nakatulong sa pagkakaaresto sa kasamahan ni Quiboloy – DILG

Wanted posters, pabuya nakatulong sa pagkakaaresto sa kasamahan ni Quiboloy – DILG

116
0

MANILA, Philippines – Labis na nakatulong ang mga wanted posters na inilabas ng Philippine National Police sa pagkakaaresto kay Pauleen Canada, co-accused ng puganteng si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ulat, si Canada ay naaresto sa isang subdivision sa Davao City kasunod ng tip na ipinadala sa DILG nitong Martes.

Natunton si Canada dalawang kilometro lamang ang layo mula sa regional office ng Davao Police.

“Nagtatago kasi. Mahirap talagang hanapin ang taong nagtatago. They know what to do, they know what to expect pag andun ang mga pulis,” sinabi ni PNP Chief General Rommel Marbil.

Ayon sa DILG, ang mga wanted posters at alok na P1 milyong pabuya ay may malaking epekto kung kaya’t agad na nahuli ang isa sa mga kasamahan ni Quiboloy.

“Nakita [ng informant] ang isang babae na kamukha nasa litrato ng isang wanted poster na inilabas ng PNP,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos.

Samantala, naniniwala naman ang pamahalaan na nasa bansa pa rin ang mga nalalabing pugante kabilang na si Quiboloy.

“Lumiliit na po ang mga pinagtataguan ninyo. Hindi kami titigil. I will use [the] resources of [the] government to make sure that the ends of justice will be met,” ani Abalos. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here