Home NATIONWIDE Kauna-unahang cable car system sa Pilipinas, posible sa 2028 – DOTR

Kauna-unahang cable car system sa Pilipinas, posible sa 2028 – DOTR

MANILA, Philippines – Posibleng maging operational na sa 2028 ang kauna-unahang cable car system ng bansa.

“It’s our first cable car project, we were told that it will take up to two years of construction. If we [can] award the contract in 2026, it is possible to [be operational] in 2028,” saad sa pahayag ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan nitong Biyernes, Hulyo 12.

Ayon sa DOTR, ikokonekta ng Antipolo Cable Car Project ang MRT-4 Taytay Station at Antipolo City.

“We know that Antipolo is very dense, and has lots of residents and economic activity, so it will be complementary to connect MRT-4 to Antipolo City,” ani Batan.

Sinabi pa ng ahensya na pinondohan ng Asian Development Bank ang pre-feasibility study ng cable car project na natapos na ngayong taon.

“The project appears viable. The next step is the detailed feasibility study which the ADB is also financing,” dagdag ni Batan.

Inaasahan naman na magsisimula sa 2025 ang detailed feasibility study na tutukoy sa project cost at passenger capacity nito.

Samantala, bubuksan sa kasunod na taon ang project bidding nito. RNT/JGC