Home NATIONWIDE Mga mangingisda, environmental groups, nanawagan ng mas matibay na proteksyon sa karagatan...

Mga mangingisda, environmental groups, nanawagan ng mas matibay na proteksyon sa karagatan sa World Oceans Day

3
0

MANILA, Philippines – Nagtipon ang mga mangingisda, environmental groups, at iba pang kaalyadong organisasyon sa harap ng Department of Agriculture nitong Lunes, June 8, 2026, bilang paggunita sa World Oceans Day, upang manawagan ng mas matibay na proteksyon para sa mga marine ecosystem at coastal communities.

Nagbabala ang mga grupo na ang patuloy na banta sa karagatan ay maaaring makaapekto sa food security, kabuhayan, at kapakanan ng milyun-milyong Pilipino.

Giit nila, kailangang palakasin ang mga polisiya at hakbang ng pamahalaan upang mapangalagaan ang yamang-dagat at maprotektahan ang mga komunidad na umaasa rito. Danny Querubin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here