SOUTH COTABATO, Philippines – Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Tboli sa South Cotabato ang total closure ng bahagi ng highway matapos ang landslide kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig noong Lunes, 7:37 a.m.
Ayon sa advisory ng LGU, hindi na maaaring daanan ang kalsada mula Barangay Tbolok papuntang General Santos City para sa lahat ng uri ng sasakyan.
“About 40 to 50 meters of the concrete road pavement have collapsed,” ayon sa ulat, kaya’t hindi rin ito madaanan kahit ng motorsiklo.
Sinira ng pagguho ang bahagi ng sementadong kalsada, dahilan upang tuluyang isara ang ruta habang isinasagawa ang assessment at clearing operations. RNT/MND