Home HOME BANNER STORY Traffic alert: QC Eco Run sa Nob. 29 sa QMC, Quezon Ave.,...

Traffic alert: QC Eco Run sa Nob. 29 sa QMC, Quezon Ave., paghandaan

2
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Quezon City government ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe sa Linggo, Nobyembre 29, dahil sa posibleng pagsisikip ng trapiko dulot ng QC Eco Run 2026.

Isasagawa ang aktibidad mula alas-3 ng madaling araw hanggang alas-9 ng umaga, kung saan inaasahang babagal ang daloy ng sasakyan sa paligid ng Quezon Memorial Circle (QMC) at kahabaan ng Quezon Avenue mula Elliptical Road hanggang bago mag-Araneta Avenue.

Kabilang sa mga posibleng maapektuhang kalsada ang North Avenue at EDSA, East Avenue, Kalayaan Avenue, Commonwealth Avenue, Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue, West Avenue, Timog Avenue at Araneta Avenue.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

Pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang posibleng pagkaantala sa biyahe. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here