Home METRO 4 Chinese tiklo sa tobats, boga

4 Chinese tiklo sa tobats, boga

140
0

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga- Nasabat ang hinihinalang shabu at mga baril mula sa apat na Chinese nationals sa isang operasyon sa Barangay Santo Domingo, Angeles City, Pampanga noong Hulyo 12.

Kinilala ni Police Regional Office-3 Director Police Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang mga suspek na sina Wu, 38; Zheng, 29; alyas Chou, 33, at Wang, 25, babae.

Nakuhanan ang mga suspek ng tatlong gramo ng shabu na may standard drug price na P20,400, hinihinalang party drugs, isang .380 caliber Colt firearm na may anim na bala, at isang .45 caliber Armscor firearm na may pitong bala.

Nahuli ng Police Station 1, Angeles City Police Office, at ng Bureau of Immigration ang mga suspek sa pagpapairal ng Mission Order No. 2024-151. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here