Home METRO DOH hospitals sa Ilocos region nakiisa sa Infection Prevention Control Week

DOH hospitals sa Ilocos region nakiisa sa Infection Prevention Control Week

199
0

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng week-long infection prevention and control (IPC) activity mula Hulyo 8-12 , 2023 ang mga ospital at treatment centers ng Department of Health (DOH) sa Ilocos region sa iba’t ibang lugar bilang bahagi ng selebrasyon ng “Infection Prevention Control Week” na nakatuon sa kahalagahan ng pag-iwas sa pagkalat ng sakit.

Kabilang sa mga nakilahok ang Treatment and Rehabilitation Center – Dagupan (TRC-Dagupan), Treatment and Rehabilitation Center – La Union (TRC-La Union), Ilocos Treatment and Regional Medical Center (ITRMC), Region 1 Medical Center (R1MC) at ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC).

Target ng aktibidad ang mga paaralan at mga komunidad kabilang ang drug treatment at rehabilitation facilities at persons deprived of liberty (PDLs) upang madagdagan ang kanilang kamalayan at pag-unawa sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon na pinakamabisa at abot-kayang paraan upang maiwasan ang mga sakit.

Tinalakay ng isang pangkat ng mga propesyonal sa kalusugan ang wastong pamamaraan ng paghuhugas ng kamay at nagbigay ng mahahalagang impormasyon kung kailan at gaano kadalas maghugas ng kamay.

Nagsagawa rin ng “Kapihan sa DOH” para itaas ang kamalayan tungkol sa healthcare-associated infections (HAIs) at isulong ang mga epektibong istratehiya sa pag-iwas. Ipinamahagi rin ang hygiene kits sa mga kalahok sa mga aktibidad.

“The DOH including its hospitals and treatment centers are committed to promoting good hand hygiene practices among its personnel and sharing these good practices to the community,” pahayag ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco.

Itinatampok ng kaganapan sa IPC Week ngayong taon ang kritikal na papel ng Pag-iwas at Pagkontrol sa Infection (IPC) habang ang departamento ng kalusugan ay lumalampas sa pandemya.

Ang tema ngayong taon ay “Together, WE stand against HAI (Healthcare-Associated Infections): Protecting Everyone!” itinatampok ang sama-samang pagsisikap ng sektor ng kalusugan at ng komunidad upang maiwasan ang impeksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here