MANILA, Philippines- Naiturn-over na ang apat na co-accused ni Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail, base sa Philippine National Police nitong Biyernes.
Batay sa commitment order ng Pasig Regional Trial Court, nadala na sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Jackielyn Roy, at Sylvia Cemanes sa kulungan.
Ito ay ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo.
Mula nang arestuhin sila at dumating sa Manila, idinitene si Quiboloy at kanyang co-accused sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.
Subalit, ipinag-utos ng Pasig City Regional Trial Court 159 ang paglilipat sa apat na co-accused ni Quiboloy sa Pasig City Jail matapos ang kanilang arraignment nitong Biyernes ng umaga. Mananatili naman si Quiboloy sa Camp Crame.
Naghain sila ng not guilty plea para sa qualified human trafficking charges. RNT/SA