Home HOME BANNER STORY 4 dedo, 25 sugatan sa karambola ng sasakyan sa QC

4 dedo, 25 sugatan sa karambola ng sasakyan sa QC

180
0
Kuha ni Val Leonardo

MANILA, Philippines- Isinara ang northbound lane ng Katipunan Avenue Flyover sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi kasunod ng road mishap na nagresulta sa apat na nasawi at 25 sugatang indibidwal.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa preno ang truck dahilan upang araruhin nito ang iba pang mga sasakyan.

Mayroong 16 motorsiklo, limang four-wheeled vehicles, isang bus, at isang truck inna sangkot sa insidente na naganap bandang alas-6 ng hapon, base sa Quezon City Traffic Sector 3.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang truck driver, na tumakas matapos ang insidente. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here