Home METRO 4 durugista tiklo sa halos P.3M shabu sa Malabon

4 durugista tiklo sa halos P.3M shabu sa Malabon

TINATAYANG halos P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng ulisya sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Asidillo Fabro alyas “Bunso”, 39, pedicab driver ng Abes Compd., Brgy. 5, Caloocan City at Yasser Bandong, 20 ng Brgy., Maharlika, Taguig City.

Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Pinagtipunan Circle corner Santol Road, Brgy. Potrero na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang umaabot 21.10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na PP143,480 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sina Robert Rivera, 50, at Ivy Miro, 33, (pusher/listed), sa buy bust operatiin din sa C4 Road corner Manapat St., Brgy. Tañong bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Ani PSSg Kenneth Geronimo, nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P139, 400.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Boysan Buenaventura)

Previous articleTirador ng kable ng telepono sa Malabon, huli sa akto
Next articlePAGASA: 10 bagyo lang bumayo sa Pinas sa 2023