Home NATIONWIDE PAGASA: 10 bagyo lang bumayo sa Pinas sa 2023

PAGASA: 10 bagyo lang bumayo sa Pinas sa 2023

MANILA, Philippines – Umabot lamang sa 10 tropical cyclones ang pumasok sa Philippine Area of ​​Responsibility ngayong taon, na halos kalahati ng karaniwang bilang, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes, Disyembre 1.

“Usually, around 19 to 20 na cyclones. Kaya ngayon, nakaka-10 pa lang tayo,” ani PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Liza Solis sa isang radio interview.

Sa kabila nito, sinabi ng weather specialist na posibleng nasa dalawang bagyo ang aasahan na papasok sa Pilipinas sa Disyembre.

“Probably po ay inaasahan ng PAGASA around one or two ngayong Disyembre but then your chances po medyo maliit din po,” dagdag pa niya.

Mula noong Hulyo, sinabi ni Solis na ilang bahagi na ng bansa ang nakararanas na ng epekto ng El Niño phenomenon.

Noong Hulyo 4, idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño phenomenon sa Tropical Pacific.

Ang El Niño phenomenon ay nailalarawan sa pamamagitan ng abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa gitna at silangang ekwador na Karagatang Pasipiko, pati na rin ang mas mababa sa normal na pag-ulan.

Sa pagtatapos ng Disyembre, sinabi ng PAGASA na tatlong lalawigan kabilang ang Batangas, Cavite, at Oriental Mindoro ang inaasahang makakaranas ng tagtuyot. Santi Celario