MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Caloocan City Medical Center (CCMC) mula sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health (DOH).
Kabilang dito ang tatlong fetal monitor para sa pangangalaga ng mga sanggol sa sinapupunan, dalawang heavy-duty autoclave sterilizer upang masigurong malinis ang ibang mga hospital instruments, at dalawang mechanical ventilator para makatulong sa paghinga ng mga pasyente.
Mas mahusay at mas epektibong mga serbisyong medikal ang hatid ng mga bagong kagamitan ng CCMC na tiyak ding mapapakinabangan ng mas marami pang residente ng siyudad.
“Maraming salamat po sa DOH sa pagkakaloob sa atin ng mga nasabing medical equipment at sa lahat ng bumubuo sa ating mga ospital dahil sa patuloy na pagsiguro na maayos ang kalusugan ng mga Batang Kankaloo,” ani Mayor Along Malapitan.
Libreng anti-rabies vaccine para sa mga aso at pusa naman ang hatid ng City Veterinary Department (CVD) ng Caloocan.
Pinayuhan ng alkalde ang nasasakupan na paturukan na ang kanilang mga alaga para sa kaligtasan ng kanilang mga nakakasalamuha.
Gaganapin ang pagbabakuna Disyembre 1, at sa susunod na linggo, simula Disyembre 4 hanggang Disyembre 7.
Bawal bakunahan ang mga sumusunod: tatlong buwang gulang pababa, nakakagat sa loob ng dalawang lingo, buntis o nagpapasuso ng mga anak, at may sakit o naggagamot.
Dalhin ang vaccination card ng mga alaga kung mayroon. Merly Iral