Home NATIONWIDE 5 suspek sa Maguindanao Norte cop slay kinasuhan ng murder

5 suspek sa Maguindanao Norte cop slay kinasuhan ng murder

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na nagsampa ito ng murder charges laban sa limang suspek, kasama ang dalawang pulis, sa pamamaril kay Capt. Rolando Moralde sa Parang, Maguindanao del Norte noong Mayo 2, na ikinamatay nito.

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na sumuko sa mga awtoridad ang dalawang police master sergeants noong May 3 at kasalukuyang nakaditene sa Parang Municipal Police Station, habang hindi pa nahuhuli ang tatlo pang suspek.

“They did not issue any statements but said they would face the charges against them. We do not care if they are police officers. We have enough evidence and we could even look into the aggravating circumstances of them being police officers. As we have seen in the video footage of the slain police, he already fell to the ground. Instead of helping him, they fired at him,” wika ni Fajardo.

Idinagdag niya na dinala na ang bangkay ni Moralde sa Camp Crame noong Linggo kung saan siya ibuburol hanggang May 8.

Nasa pamilihan si Moralde at iba pang pulis nang mapansin niya ang isang lalaking may nakasabit na baril sa bewang, kalaunan ay kinilalang si Mohiden Untal.

Kinompronta ni Moralde si Untal subalit pinaputukan siya ng suspek. Gumanti naman ito ng putok ng baril kay Untal.

Pinagbabaril ng limang suspek, kabilang ang dalawang police officers, si Moralde na ikinasawi nito. Kalaunan ay napag-alamang kaanak sila ni Untal.

Ayon pa kay Fajardo, mahaharap din ang dalawang pulis sa administrative charges at isinuko na ang kanilang service firearms, na sasailalim sa ballistic examination upang matukoy kung ang mga ito ang ginamit sa insidente.

Aniya, ni-relieve na ang apat pang police officers na kasama ni Moralde habang gumugulong ang imbestigasyon ng Internal Affairs Service matapos hindi agad sila makaresponde sa shootout.

“I spoke with the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region director and they are having a meeting today to determine what really happened because these four did not even respond or assisted the victim when they heard gunshots in the area. They suddenly disappeared,” dagdag ni Fajardo. RNT/SA