Home NATIONWIDE 30 Palestinian prisoners pinalaya ng Israel kapalit ng 8 bihag ng Hamas

30 Palestinian prisoners pinalaya ng Israel kapalit ng 8 bihag ng Hamas

JERUSALEM – Umabot sa 30 bilanggong Palestinian ang pinalaya magdamag nitong Huwebes, Nobyembre 30, ayon sa Israeli autorities sa pinakahuling palitan sa ilalim ng pinalawig na kasunduan sa tigil-putukan sa Hamas dahil ilang oras na lang ay mapapaso na rin ito.

Ang mga bilanggo — kabilang ang 23 menor de edad at pitong babae — ay pinalaya ilang oras matapos na palayain naman ng Hamas ang walong Israeli hostage .

Ang kasunduan sa tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas ay nagsasaad na hindi bababa sa 10 bihag ng Israel ang dapat palayain ng buhay bawat araw.

Mula nang magkabisa ito noong Nobyembre 24, ang kasunduan sa tigil-putukan ay nagresulta sa pagpapalaya sa 110 hostage, kabilang ang 80 Israelis.

Ang karamihan sa 30 non-Israeli na bihag na pinalaya ay mula sa Thailand, na pinalaya sa ilalim ng isang hiwalay na kasunduan.

Pinalaya naman ng Israel ang 240 bilanggo ng Palestinian bilang kapalit. RNT