Home NATIONWIDE 4 Indiano, isang Malaysian na blacklisted ng BI, arestado

4 Indiano, isang Malaysian na blacklisted ng BI, arestado

MANILA, Philippines – Naaresto ang apat na lalaking Indian national na na-blacklist na ng Bureau of Immigration (BI) at isang Malaysian national sa Tawi-Tawi, inihayag ng ahensya nitong Martes.

Sinabi ng BI na inirekomenda ang lima na kasuhan ng illegal entry, na paglabag sa Section 37(a)(1) ng Philippine Immigration Act of 1940.

Ayon sa BI, iniulat ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) na binabantayan ang apat na lalaki na sakay ng isang barko. Nakilala rin nila ang isang Malaysian na lalaki na umano’y naglalakbay kasama ang kanyang kasintahang Pilipina.

Sa panayam, napag-alaman ng BI na ang mga Indian national ay walang Immigration stamps sa kanilang mga pasaporte habang ang Malaysian national ay hindi naipakita ang kanyang passport.

Nalaman ng mga awtoridad na ang apat na Indian national ay naka-blacklist mula sa bansa.

Samantala, hinihinalang sangkot sa trafficking ang Malaysian national. RNT