Home NATIONWIDE 4 katao sugatan sa pagsabog sa Tondo

4 katao sugatan sa pagsabog sa Tondo

287
0

MANILA, Philippines – Apat na katao ang sugatan sa isang pagsabog sa kanto ng Dagupan Street at Tayuman sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na impormasyon, sinabi ng first responder na si Jam Mariano na isang medic na ang isa sa mga biktima ay putol na ang kamay at lumabas na ang buto.

Ang isa naman ay butas ang pisngi at nasugatan ang babang parte ng katawan.

Napag-alaman na sinundo ng isa sa biktima ang tatlong pang biktima na residente sa Aroma sa Tondo.

Sinabi ni Mariano na base sa pahayag ng isa sa kasama ng mga biktima, namulot sila ng kalakal na pwedeng pakinabangan sa nasunugang residential area sa Aroma Compound at dinala sa pinangyarihan ng insidente.

Sa pagsusuri naman ng Explosive and Ordnance Division (EOD), negatibo ito sa pampasabog o bomba at natukoy na isang ‘compressor’ ng appliances ang sangkot dito.

Posible umanong pinukpok ng mga biktima ang compressor dahilan para ito ay sumabog.

Nangyari ang insidente alas 2:30 ng hapon.

Sinabi naman ni Chairman Arlene Tan ng Barangay 234 na napakalakas ng pagsabog kaya agad silang rumesponde kung saan nakita na lamang nilang nakabulagta ang apat na scavenger.

Dinala na sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktima na umano’y pawang mga may malay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here