Home NATIONWIDE Apat sugatan sa pagsabog sa Maynila tutulungan ng Manila LGU, DSWD

Apat sugatan sa pagsabog sa Maynila tutulungan ng Manila LGU, DSWD

275
0
Limang indibidwal ang sugatan matapos ang isang pagsabog sa Tayuman Street cor. Dagupan Street, Brgy 234, Tondo, Manila.Ayon sa Philippine National Police Explosives and Ordnance Division isang compressor ang pinagmulan ng pagsabog sa lugar. CRISMON HERAMIS

MANILA, Philippines – Tutulungan ng Manila Department of Social Welfare and Development (MDSWD) ang apat na biktima ng pagsabog sa Tondo, Maynila.

Ito ay matapos na personal na magtungo si MDSWD Chief Jay Dela Fuente sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog sa kanto ng Dagupan Street at Tayuman.

Sa panayam kay Dir. Dela Fuente, magbibigay ang MDSWD ng medical assistance, financial assistance at iba pang assistance na maaaring maipagkaloob sa mga biktima.

“Bibigyan natin sila ng medical assistance, financial assistance at kung ano pang assistance dahil nabalitan ko mga scavenger na nangangalakal sa District 1 na dumayo pa rito,” pahayag ng social worker chief.

Limang indibidwal ang sugatan matapos ang isang pagsabog sa Tayuman Street cor. Dagupan Street, Brgy 234, Tondo, Manila.
Ayon sa Philippine National Police Explosives and Ordnance Division isang compressor ang pinagmulan ng pagsabog sa lugar. CRISMON HERAMIS

Matapos makita ang pinangyarihan ng insidente, personal na pinuntahan ni Dela Fuente ang mga biktima sa Jose Reyes Hospital para sa pagbibigay ng kinakailangang tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here