MANILA, Philippines – Apat na kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) at pitong fixers ng inaresto sa labas ng NBI Clearance Center sa U.N. Avenue sa Maynila.
Sinabi ni NBI director Jaime Santiago na bahagi ito para maalis ang red tape sa ahensya.
Pinangunahan ng mga operatiba ng NBI- Cybercrime Division at NBI-Special Task Force ang pag-aresto sa apat na kawani sa ilalim ng Information and Communication tehnology Division (NBI-ICTD) na nakipagsabwatan para sa kasong Direct Bribery sa ilalim ng Art. 210 ng revised Penal Code; Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Coduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at Section 21(c) o may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sa nasbaing operasyon, binitbit din ang pitong (7) fixers sa labas ng bisinidad ng NBI Clearance Center.
Ayon kay Santiago, nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyon na umanoy isang empleyado ng NBI ang nakipagsabwatan sa mga fixers sa pag-isyu ng NBI Clearance Certificates.
Natuklasan din na naglalabas din ng expedite or rush na clearance application kapalit ng halaga sa pagitan ng P800 hanggang P2,000.
Agad namang kumilos ang NBI-CCD ay nagsagawa ng patagong pagtatanong at beripikasyon kung saan nakumpirma ang impormasyon at isinagawa ang entrament oepartion.
Ipinrisinta ang nasabing mga indibidwal at kawani sa Prosecutor General ng Department of Justice.
Binigyang-diin ni Santiago na walang lugar para sa mga corrupt practices sa NBI sa kanyang pamumuno at nagbabala na hindi nito titigilan ang mga indibidwal na lalabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act Law. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)