MANILA, Philippines – Umarangkada na ang andas ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno mula sa Quirino Grandstand.
Alas-4:01 ng madaling arw ay ibinigay ang hudyat upang iarya ang lubid para sa Andas.
Sa bahagi ng gitna ng Roxas Blvd, tumagal naman ang pag-usad ng Andas dahil sinalubong na rin ito ng mga deboto na nag-aabang sa magkabilang kalsada.
Ilang mga grupo ng mga deboto ang agad na nagsilapitan upang makahawak sa lubid.
Mayat-maya ang pag-salya sa lubid ngunit hirap at mabagal ang usad dahil nag-aagawan ang mga deboto na makalapit sa Poong Hesus na Nazareno.
Sa huling update ng Nazareno Command Center nasa 220,000 pa rin ang bilang ng mga sumama sa Quirino Grandstand hanggang sa pagsisimula ng prusisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden