MANILA, Philippines – Iiral ang shear line sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, habang Northeast Monsoon o Amihan naman ang eepekto sa Northern at Central Luzon kabilang ang Metro Manila ngayong Huwebes, Enero 9.
Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, at Dinagat Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa Shear Line.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa Amihan.
Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC