Home HOME BANNER STORY Liquor ban ipinatutupad sa paligid ng Quiapo Church, ruta ng Traslacion

Liquor ban ipinatutupad sa paligid ng Quiapo Church, ruta ng Traslacion

MANILA, Philippines – MULING pinaalalahanan ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga Manilenyo partikular na ang kalapit na barangay sa Quiapo Church ang mahigpit na pagpapatupad ng “liquor ban” sa mismong araw ng Pista ng Poong Hesus Nazareno.

Batay sa kautusan na inilabas ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang nasabing liquor ban ay ipapatupad sa layong 500 metro sa palibot ng Quiapo Church gayundin sa ruta ng Traslacion.

Batay sa Executive Order No. 1 na nilagdaan ni Lacuna, ang liquor ban ay kinakailangan upang maisulong ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng Hesus Nazareno rites.

Saklaw ng pagbabawal ang pagbebenta ng alak at pagkonsumo ng mga inuming nakalalasing at alkohol.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Enero 9 bilang isang special non-working holiday sa buong Lungsod ng Maynila. JR Reyes