Home METRO Halos 400 illegal alien inaresto ng BI sa Paranaque

Halos 400 illegal alien inaresto ng BI sa Paranaque

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa halos 400 iligal na dayuhan sa isinagawang malawakang pagsalakay na ang target ay ang mga hinihinalang scam operation sa Parañaque nitong Miyerkules, Enero 8.

Iniulat ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., na natuklasan sa operasyon ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa mga aktibidad na mala-POGO sa isang kumpanya na matatagpuan sa Barangay Tambo. Ang nasabing mga indibidwal ay nagsasagawa umano ng mga ipinagbabawal na aktibidad, kabilang ang mga online scam operations na ang target ay mga biktima sa ibang bansa.

“The Bureau’s intelligence division, fugitive search unit (FSU), and Anti-Terrorist Group (ATG) have been monitoring the activities of these individuals for some time,” ani Manahan.

“Their operations were found to be in violation of immigration laws and posed significant risks to the public,” dagdag pa ng opisyal.

Ang mga naarestong indibidwal ay kasalukuyang sumasailalim sa booking procedures at pansamantalang hahawakan ng ahensya habang hinihintay ang kanilang deportation proceedings.

Nakikipag-ugnayan ang BI sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para mapabilis ang proseso at matiyak na mananagot ang mga napatunayang nagkasala sa mga paglabag. JR Reyes