MANILA, Philippines- Kulungan ang binagsakan ng apat na hinihinalang motornapper makaraang tangayin ng isa ang motor at ibinenta naman ito sa tatlo sa Brgy. Ligas 2, Bacoor City,.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Jarwin, John, Alvin at Carlo dahil sa reklamo ng may-ari ng motorsiko na si Sonny Boy Andrade.
Ayon sa report, ipinarada ng biktima ang kanyang motor na Honda Wave 125 sa Casimiro West Bay Homes ng nasabing lugar nang tangayin umano nito ni alyas Jarwin.
Napag-alaman na ibinenta naman ni Jarwin ang nasabing motor kina John, Alwin at Carlo.
Himingi ng tulong ang biktima sa kanilang barangay kung saan pinanood ang footage ng Closed Circuit Television (CCTV) at namukhaan ang isa sa mga suspek na si si Jarwin na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto saka itinuro pa nito ang tatlong pinagbentahan niya.
Sa ginawang follow-up ng pulisya, naaresto ang tatlong suspek subalit hindi na narekober ang tinangay na motorsiklo.
Nasa kustodiya na ng Bacoor Police Station ang mga suspek upang kaharapin ang kasong isasampa laban sa kanila. Margie Bautista