Home METRO Mayor Jennie Sandoval naghain ng COC para sa re-election

Mayor Jennie Sandoval naghain ng COC para sa re-election

219
0

MANILA, Philippines – Naghain si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2nd term sa Robinsons Malabon nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 3.

Naghain din ng COC ang mga miyembro ng Team Kakampi (TK) sa pangunguna ni Sandoval.

Tatakbo sa pagka-bise mayor si District 2 Councilor Edward Nolasco.

Sinalubong ng hiyawan at tilian habang may hawak na placards ng  kanyang mga taga-suporta si Sandoval habang papasok ng mall kasama ang asawa nitong si Ricky Sandoval na nauna nang naghain ng kanyang kandidatura  bilang kongresista ng lungsod.

“Ito muli ang panahon para ihain sa ating mga mahal na Malabueño ang ating sarili para sila ay mapaglingkuran nang lubos at may pagmamahal. Ang pagpapasya ay nasa taumbayan. Alam nila kung sino ang dapat mamuno para isulong ang kanilang kapakanan na sinubukan nating pangalagaan sa loob. ng mahigit 2 taon bilang Mayor. Nawa’y ang ating mabuting hangarin ay dinggin at pagpalain ng Panginoong Diyos. Alam nila kung sino ang dapat manguna para isulong ang kanilang kapakanan na sinikap nating protektahan sa loob ng mahigit dalawang taon bilang Alkalde.”

Kabilang naman sa mga  tumatakbong konsehal sa ilalim ng Team Kakampi ang kasabay ng alkalde sa paglalatag ng kandidatura sina Maricar Torres, Payapa Ona, Paulo Alberto Oreta, Genaro “Gerry” Bernardo, Ian Emmanuel Borja, Ma. Anna Lizza “Leslie” Yambao (Distrito 1), Nadja Marie Vicencio, Jasper Kevin Cruz, Edralyn Yanga, Ma. Doelcarmen “Star” Dizon, Marjeniel May Mañalac, at AlNiño Galauran (Distrito 2).

“Ito rin ang panahon para ipagpatuloy ang nasimulan natin sa malawak na programang ayuda sa Blue Card palupa at pabahay, libreng edukasyon, tulong pinansyal, at iba pang dagdag na bayad sa ating mga kababayan , dagdag pa ng alkalde.

Nagpasalamat din ang alkalde   sa kanyang mga taga suporta na walang sawang nagpapakita ng tiwala sa kanya mula ng siya  ay manungkulan bilang alklade ng Malabon sa unang termino nito.

Nagbigay din ito ng mensahe sa kanyang katunggali sa oagka mayor na si Jaye Lacson na ang lahat aniya ay may karapatang  pumasok sa pulitika at magsilbi.

Itutuloy  din aniya ang nasimulan niyang paglilingkod sa mga mamamayan ng Malabon  upang umahon sa kanilang pamumuhay.

“Ang mga taga Malabon  ang  nagbibigay sa akin ng inspirasyon para maipagpatuloy ko ang paglilingkod ditto sa ating bayan.” Dagdag pa  ng alkalde. Merly Iral

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here