Home NATIONWIDE ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

93
0

MANILA, Philippines – Humina na ang Bagyong Julian at naging isang tropical depression na lamang, sa ulat ng PAGASA nitong Biyernes, Oktubre 4.

Samantala, magdadala naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng bansa.

Ang Bicol Region, Visayas, at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Samantala, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil naman sa easterlies.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here