Home HOME BANNER STORY Pulis sa viral NLEX road rage video sibak sa pwesto!

Pulis sa viral NLEX road rage video sibak sa pwesto!

155
0

MANILA, Philippines – Sinibak sa pwesto ang pulis na sangkot sa viral video ng isang road rage incident sa Quezon City.

Matatandaan na nag-viral ang video kung saan makikita ng isang lalaking nakasuot ng short at t-shirt na tinututukan ng baril ang isang cargo truck sa Mindanao Avenue Toll Plaza sa North Luzon Expressway (NLEX).

Matapos na bumaba ang truck driver ay pwersahan itong pinadapa ng armadong lalaki sa kalsada habang sinisipa pa ang biktima.

Kalaunan ay pinosasan din ng lalaki ang biktima.

Nadiskubre na ang lalaki sa video na may hawak na baril ay isang pulis na nakatalaga sa Philippine National Police Civil Security Group.

Sa imbestigasyon, bago ang alitan ay nabangga ng trak ang sasakyan ng pulis ngunit nakatakas.

Dahil dito ay hinabol ng pulis ang truck hanggang makarating sa toll plaza.

Dito ay napaulat na nagkasundo ang dalawang partido na ngunit sinabi ng pulisya na hindi ito sapat na batayan para maabswelto ang pulis sa video.

“Na-relieve na siya doon sa kanyang puwesto sa SAC Fairview and pina-orderan na i-turnover ang kanyang baril,” ani Police Lieutenant Colonel Eudisan Gultiano, PNP Civil Security Group spokesperson.

Bahagi ng imbestigasyon ay ang pagtukoy kung ang pag-aresto sa truck driver ay bahagi ng police standard operating procedure.

“We will assure the public na if mapatunayan na may violations on the part of our personnel, we will be filing appropriate administrative charges, and sanctions will be given sa ating personnel,” sinabi pa ni Gultiano.

Muling nagpaalala ang PNP sa pulis at publiko na maging kalmado lalo na kapag nagmamaneho. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here