Manila, Philippines – Nanawagan para sa isang kompehensibong imbestigasyon ang liderato ng Kamara laban sa operasyon ng Philippine offshore gambling operators POGO sa bansa, iligal na droga, at ang naganap madugong drug on war.
Isinulong ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang pagtatatag ng apat na committee panel na mag-iimbestiga sa operasyon ng POGO at mga kaakibat na iligal na aktibidad kasama na ang naging madudong anti-drug war.
Sa kaniyang privilege speech ay pinatatalupan ni Gonzales sa apat na komite POGO at EJK samantalang naghain naman ng resolusyon 1843 sina Manila Rep. Joel Chua at Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na nagsusulong ng malawakang imbestigasyon ng Kamara sa nabanggit na isyu na pangungunahan ng House Committees on Dangerous Drug, Public Order and Safety at Human Rights.
Ang pang-apat na komite na iminungkahi ni Batangas Rep. Gerville Luistro sa plenaryo ay ang Committee on Public Accounts na dapat ay mapabilang sa mag-iimbestiga.
Binigyang diin ni Gonzales sa privilege speech na ang bansa “is currently grappling with complex issues involving public order, the proliferation of dangerous drugs, and human rights violations.We must address these issues in a coordinated and timely manner to ensure justice and the rule of law.”
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang House Committee on Games and Amusement at ang Committee on Public Order and Safety sa iligal na operasyon ng POGO sa bansa samantalang House Committee on Dangerous Drugs ay nagsisiyasat naman sa pagkakahuli at pagkakakumpiska sa may P3.6-bilyong halaga ng iligal na droga sa Mexico, Pampanga noong September 2023.
“These individual inquiries by the three committees have been persistent and yet exhaustive. Still, there are issues that are interwoven entailing scrutiny into intricate details,” ani Gonzales.
Iminungkahi rin ng mambabatas na magsama-sama na ang apat na komite dahil ang isyung sakot ay magkaka-ugnay maging ang ilang sangkot na idibiduwal.
“The complex yet interrelated nature of the issues surrounding public order, dangerous drugs, and human rights violations demonstrates the unique benefits of a collaborative approach that only a joint investigation can provide. A joint investigation will enable us to conduct a more inclusive and thorough examination of these interlocking issues,” dagdag pa ni Gonzales.
“It will allow us to invite resource persons who can provide valuable insights across multiple areas of concern. This coordinated effort will ensure that our findings are comprehensive and that our legislative recommendations are practical and encompassing,” he said.
Sinuportahan naman ni Surigao Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng committee on dangerous drugs ang mungkahi ni Gonzales dahil sa hinalang bagama’t nagsara na ang operasyon ng POGO sa bansa lalo na sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga maging ang pagkakakumpiska sa droga sa Mexico, Pampanga ay posibleng may kumikilos pang sindikato na tuloy sa paggawa ng krimen.
“So itong mga committees na ito, kasi napakalaki we believed meron criminal organization na kumikilos dito sa atin. That is why it is important for the House to create several committees…Bakit? Kasi nga yung criminal organization na, napakalaki ay involved po sa lahat na sinasabi natin that is why we want to dig deeper into this,” ayon pa rin sa mambabatas. (Meliza Maluntag)