Home METRO 4 magkakapatid nasagip mula sa ‘abusadong’ pinsan, lolo

4 magkakapatid nasagip mula sa ‘abusadong’ pinsan, lolo

MANILA, Philippines- Nasagip ang apat na menor-de-edad na magkakapatid mula sa isang bahay sa Ditsaan-Ramain, Lanao del Sur sa joint operation, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Isinagawa ng mga tauhan ng NBI-Iligan, DSWD Lanao del Sur, at Ramain PNP ang operasyon matapos maghain ng reklamo ng isa sa mga biktima na ilang ulit umano itong ginahasa ng sariling pinsan sa loob ng ilang taon.

Inihayag ni Atty. Medrobel Ylanan, NBI-ILDO Agent-in-charge, na nagsimula ang pang-aabuso mula 2017 hanggang  2019.

Naganap ang huling insidente noong 2023 at sa pagkakataong ito ay lumayas na sa kanilang tahanan ang biktima.

Gayundin, inabuso ang 16-anyos na babae at 15-anyos na lalaking kapatid ng biktma, habang na-trauma naman ang 7-anyos na lalaki matapos masaksihan ang pang-aabusong naranasan ng kanyang mga kapatid.

Bukod sa kanilang pinsan, inabuso rin sila ng kanilang lolo na pumanaw na noong nakaraang taon.

Hindi nataguan ng team ang suspek sa lugar, subalit gumugulong na ang pursuit operation.

Ikinakasa na rin ng mga opisyal ang reklamo laban sa suspek base sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 8353 o ang Anti-Rape law.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Municipal Development Office ngRamain ang apat na magkakapatid at sasailalim sa debriefing at medical intervention. RNT/SA