Home METRO 4 na bahay naabo sa kandila

4 na bahay naabo sa kandila

162
0

MANILA, Philippines – ISANG 74-anyos na Lolo ang nasugatan sa isang sunog na sumiklab sa Rosario, Cavite Biyernes ng umaga, Oktubre 11.

Ayon sa report, bandang alas-10:15 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Sitio Tramo, Brgy. Tejeros Convention,ng nasabing bayan.

Sa ginawang imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umabot sa apat (4) na kabahayan ang natupok.

Napag-alaman na naiwang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog matapos itong nawalan ng suplay ng kuryente hanggang sa gumapang ang apoy at nadamay ang katabing kabahayan.

Nabatid na ginagawa rin umanong tambayan ng mga kabataan ang nasabing bahay.

Ang apat na pamilyang nasunugan ay dinala sa barangay hall para sa kanilang pansamantalang matutuluyan.

Umabot sa unang alarma ang sunog at bandang alas-10:55 ng umaga nang idineklarang fireout na ito. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here