Home ENTERTAINMENT Faith, niligwak ang apelyido ng ama!

Faith, niligwak ang apelyido ng ama!

Manila, Philippines- Put your hands together for Faith Castro!

Da who?

If you’re all wondering who Faith Castro is, siya lang naman ang dating kilala bilang Faith da Silva.

So, why drop da Silva? For career reasons ba?

Nagdesisyon na ngang iligwak ng Kapuso actress ang apelyido ng kanyang ama, ang 90s matinee idol na si Dennis.

Ito’y bilang respeto raw sa pamilya ng dating aktor.

Para maiwasan na nga ni Faith na magkaroon pa ng isyu o usapin, minabuti na niyang i-“disown” si Dennis.

Pero sa screen name lang ‘yon, hindi sa kanyang puso.

From here on, Faith Castro na siya na hango mula sa apelyido ng kanyang ina.

But whether da Silva o Castro pa ‘yan, the fact remains na masuwerte si Faith sa kanyang career.

A regular mainstay of GMA’s Tiktoclock, isa rin si Faith sa mga gaganap bilang Sang’gre sa bagong bersyon ng Encantadia. Ronnie Carrasco III