Home METRO 4 na lalaki, huli sa ‘Oplan Bulabog’; baril, droga nakumpiska

4 na lalaki, huli sa ‘Oplan Bulabog’; baril, droga nakumpiska

1
0

MANILA, Philippines – Kulungan ang bagsak ng apat na lalaki nang makuhanan ng baril at droga makaraang maaresto ng pulisya sa ikinasang ‘Oplan Bulabog’ operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang anti-illegal gambling operation sa Brg.y, 175, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang tricycle drivers nang maaktuhang nagsusugal umano ng ‘dice game’.

Nasamsam ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 ang dalawang dice, P900 bet money, isang plastic sachet na naglalaman ng isang gramo ng suspected shabu na nakuha sa 22-anyos na suspek at isang calibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala na nakumpiska naman sa 30-anyos.

Nadakip din sa mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-Station 2, ang 33-anyos na tambay at 26-anyos na construction worker nang maaktuhang nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa Barangay 120, ng lungsod.

Nakumpiska sa kanila ang P1,000 bet money, pangara at isang .38 caliber revolver na kargado ng dalawang bala na nakuha umano sa 33-anyos na suspect.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling), R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here