MANILA, Philippines – Ang iniulat na bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Crising at habagat ay umakyat na sa lima, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes ng umaga, Hulyo 21.
Umabot din sa lima ang bilang ng mga nasugatan, mula sa tatlo nitong Linggo, habang pito ang naiulat na nawawala.
Samantala, may kabuuang 800,864 indibidwal o 225,985 pamilya ang naapektuhan ng masamang panahon sa 1,556 na barangay.
May kabuuang 20,115 indibidwal o 5,921 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center. Ang mga nasa labas ng evacuation center ay umabot sa 70,720 indibidwal o 16,671 pamilya. RNT/MND