Home METRO Bagong LPA binabantayan sa PAR -PAGASA

Bagong LPA binabantayan sa PAR -PAGASA

280
0

MANILA, Philippines – Isang bagong low pressure area (LPA) ang binabantayan sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) nitong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 10 p.m. weather advisory, sinabi ng PAGASA na ang LPA 07g “has a LOW potential of developing into a tropical depression within the next 24 hours.”

Sinabi rin ng Pagasa na ang LPA 07g ay nasa layong 1,105 kilometro silangan ng Eastern Visayas alas-8 ng gabi.

Samantala, ang Severe Tropical Storm Crising (international name: Wipha), na patuloy na binabantayan sa labas ng PAR, ay huling namataan sa layong 1,015 km ng Extreme Northern Luzon habang kumikilos ito pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras (km/h). Ito ay nagtataglay ng maximum wind speed na 110 km/h at pagbugsong aabot sa 150 km/h.

Binanggit din ng PAGASA na aasahan pa rin ang pag-ulan sa Metro Manila, kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon, at Visayas ngayong Lunes. Samantala, inaasahan ang pagpapabuti ng panahon sa maraming bahagi ng Mindanao.

Ang habagat ay magdadala rin ng 50 hanggang 100 milimetro ng ulan mula Linggo ng hapon hanggang Lunes ng hapon sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Antique, at Iloilo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here